Wednesday, February 14, 2007

Sa Aking Paggising

Sa Aking Paggising…

Sa pagkabata’y mulat sa kahirapan.
Pagkain natunghayan, hindi sapat sa lalamunan.
Tubig na naturingan, dumi mula sa batisan.
Tahanang walang hagdanan, pintuang walang tarangkahan…

Ano pa man ang nakaraan ay nakaraan na lamang
Sa pagaakalang damdamin ganito’y- hangang doon na lamang
Ngunit panahon ay nagdaan..
Iba sa kinabukasan…sa totoo lang pati sa pinagdaanan..

Sadyang panahon ay hindi nalalaman..
Minsan nagsisilbing kalungkutan..
Pero nagbibigay sa atin ng kaginhawan,
Kung atin lamang pakikinggan at pakauunawaan..

Nang ang buhay ay muntik ng maialay
Sa dakilang may Maykapal…
Ano pa ba ang nais matunghayan
Kung kapalit ay kaligtasan ng mahal sa buhay..

Ang Ama ay siguradong may malaking dahilan
kung bakit naming kailangan itoy pagdaaan..
Pagibig ay kailangang maging sandalan..
Upang panalangin ay isakatuparan..

Totoo nga ang Ama’y ay kaydakila
Puspos ng Pag-ibig at pag-unawa..
Sa totoo lang Buhay ng aking mahal..
Ligtas na sa kapahamakan..

Sadyang minsan ay kaylupit ng kapalaran..
Pero ito’y dapat na maranasan
Upang sa kinabukasan..
Hatid ay tatag ng kalooban..

Aking panalangin..
Sa paggising ..
Ay ang kaligtasan.
Ng aking mga minamahal..

Pag-ibig sa Maykapal…


1 comment:

lord.dan.de.leon.sumulong said...

tula pala ha... eto sa'yo

ako'y may alaga
asong mataba
bunto't ay mahaba
makinis ang mukha
mahal nya ako
mahal ko rin sya
kaya kaming dalawa
ngayo'y mag-asawa(bow)

maganda yung tula, kayang parang may pinag kopyahan!